Kumonti ang bilang ng mga Pilipinong nagsabing gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 na buwan.
Batay ito sa second quarter 2019 Social Weather Stations (SWS) survey kung saan 36% ng mga Pilipino ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay at 22% ang nagsabing hindi nag improve ang kanilang buhay sa nakalipas na isang taon.
Sinabi ng SWS na ito ay apat na puntos na mas mababa kumpara sa positive 17 sa March survey.
Lumalabas din sa survey na 46% ng respondents ang optimistic o umaasang gaganda ang kalidad ng kanilang mga buhay sa susunod na 12 na buwan; 4% ang pessimists o naniniwalang lalala pa ang estado ng kanilang buhay.
Ang survey ay isinagawa mula June 22 hanggang 26 gamit ang face to face interview sa 1,200 adults.