Nabawasan ng mahigit isang milyon ang pamilyang Pilipino na naniniwalang sila ay mahirap.
Batay sa survey ng SWS o Social Weather Stations, pumalo lamang sa mahigit sampung (10) milyon ang o 44 percent ng 1,200 respondents ang self-rated poverty sa bansa.
Mas mababa ito ng anim na porsyento kumpara sa self-rated poverty na 50 percent o mahigit sa labing isang (11) milyong pamilyang Pilipino sa isinagawang survey noong Marso.
Batay sa SWS survey, bumaba ang self-rated poverty sa Luzon at Metro Manila subalit tumaas naman sa Visayas na may 64 percent at Mindanao na may 57 percent.
Umaabot sa 45 percent ang bilang ng pamilyang Pilipino na nagsabing sila ay mahirap noong maupo sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Bumaba ito sa 42 percent noong Setyembre ng 2016 subalit tumaas sa 44 percent noong Disyembre at 50 percent sa unang tatlong buwan ng 2017.
By Len Aguirre
Bilang ng mga Pinoy na nagsabing sila ay mahirap bumaba—SWS was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882