Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na nagsabing sila ay masaya.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na siyamnapu’t isang (91) porsyento ng mga Pinoy ang nagsabing masayang-masaya sila sa kanilang buhay.
Tanging pitong (7) porsyento lamang ang nagsabing hindi sila masyado masaya habang dalawang poesyento ang hindi talaga masaya.
Ayon sa SWS , ang naturang happiness rating ng mga Pinoy ang pinakamataas sa nagdaang dalawampung (20) taon.
Matatandaang nito lamang linggo nang lumabas ang survey ng International Social Survey Programme kung saan tumaas din ang ranking ng Pilipinas sa pinakamasasayang bansa sa buong mundo na nasa ika-sampu at ika-labing isang pwesto.
By Ralph Obina