Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing sila ay mahirap sa ikalawang bahagi ng taon.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations o SWS, lumalabas na 48 porsyento o katumbas ng 11.1 milyong mga Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap.
Mas mataas ito ng anim na porsyento kumpara sa 42 porsyento o 9.8 milyong pamilya na naitala noong Marso.
Pinakamalaki ang naitalang pagtaas ng self-rated poverty sa Mindanao na tumaas ng 18 porsyento habang 13 porsyento naman ang itinaas sa Metro Manila at Visayas. Samantala, batay din sa nasabing survey, 34 na porsyento naman ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay food-poor.
Mas mataas ito ng 5 percent sa 29 percent na naitala noong Marso.
Lumalabas sa self-rated poverty threshold na kailangan ng mga pamilya sa Metro Manila ng 20,000 kada buwan, 15,000 piso sa Luzon, 11,000 piso sa Visayas habang labin 15,000 piso ang kailangan ng mga pamilya sa Mindanao para hindi maikonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap. ang naturang survey ay isinagawa sa may 1,200 respondents mula June 27 hanggang 30 sa pamamagitan ng face-to-face interview.