Umabot na sa 25.7 million ang bilang ng mga Pilipinong nakapagpatala na sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ito’y batay sa datos ng Philippine Statistics Authority matapos madagdagan ng 15.08 milyong indibidwal na nakakumpleto ng unang step ng registration ngayong unang bahagi ng 2021.
Una rito, inihayag ng pamahalaan na target na maiparehistro ang nasa 50 milyong Pilipino ngayong taon.
Kaugnay nito, kumpiyansa naman si National Statistician Dennis Mapa na maaabot ang nabanggit na bilang.