Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang mahirap ang kanilang buhay ngayong huling quarter ng taong 2015.
Batay sa survey ng SWS o Social Weather Stations, 6 sa 10 Pilipino ang nagsasabing mahirap ang kanilang buhay.
Papalo sa 95 porsyento ng mga respondent ang nagsabing mahirap sila habang 21 porsyento naman ang nagsabing naghihirap sila.
Ipinabatid ni SWS Survey Data Library Director Leo Laroza na mas mataas ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang sila ay mahirap ngayong buwan kumpara sa 50 porsyento noong Setyembre.
Isinagawa ang survey mula November 26 hanggang 28 sa 1,200 respondents.
By Judith Larino