Lima pa ang nadagdag sa bilang ng mga nasugatang Pilipino sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Ayon kay Department of Foreign Aff(DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola hindi naman malubha ang kondisyon ng mga nasugatang Pilipino na nasa 47 na.
Inaasahang ngayong linggong ito ay maiuuwi na ang mga labi ng apat na Pinoy na nasawi sa naturang pagsabog.
Kasama ring babalik ng Pilipinas ang halos 400 OFW’s na nag avail ng repatriation ng pamahalaan.