Target ng ABAP o Association of Boxing Alliances of the Philippines na madagdagan pa ang bilang ng mga boksingerong Pinoy na papasok sa Rio Olympics.
Pahayag ito ni Ed Picson, Executive Director ng ABAP matapos makapasok sa Rio Olympics ang dalawang boksingerong Pinoy na sina Rogen Ladon at Charlie Suarez.
Ayon kay Picson, may pagasa pa ang makapasok alinman kina Eumir Marcial at Mario Hernandez na kapwa bronze medalists.
Umaasa rin anya sila na may mapapasok na babaeng boksingero sa Olympic qualifiers sa Mayo at isa pa uli sa buwan ng Hunyo.
“We’ve been preparing for 4 years, ang aming preparasyon para sa Olympics pagkatapos nung London Olympics noong 2012, yung aming tingin dito ay kaya talagang mag-qualify, yun ay dahil sa mahabang preparasyon.” Pahayag ni Picson.
By Len Aguirre | Ratsada Balita