Lalong dumami ang mga Pinoy na optimistic o may positibo at malaking pag-asa na bubuti ang kanilang buhay na mas mataas kumpara noong June 2010 at March 1987.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS), mayroong 42 percent o napakataas na personal optimism ang mayorya ng mga Pinoy kung saan 32% sa mga ito ay naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Ang ibig sabihin umano nito, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga Pinoy kahit pa dumaranas ng kahirapan sa araw-araw na pumumuhay at kaliwa’t kanan ang mga katiwalian sa gobyerno.
Matatandaan na nang sumampa sa kapangyarihan ni Pangulong Noynoy Aquino noong June 2010, nakapagtala ng +36 personal optimism score ang mga Pinoy.
Sinasabing umaabot sa 1,200 adults o respondents ang tinanong ng SWS sa naturang survey sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas at Mindanao.
By Jelbert Perdez