Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong umaasa sa masayang selebrasyon ng pasko ngayong taon.
Sa resulta ng Social Weather Stations Survey, bumaba ito sa 65% mula sa 73% noong 2023 at 2022.
Ayon sa SWS, naitala ang kaparehong resulta noong 2021 sa gitna ng panahon ng pandemya.
Bagama’t mas mataas ito ng 15 points sa record-low na 50% noong 2020, mas mababa pa rin ito ng 14 points sa pre-pandemic level na 79% noong 2019.
Lumabas din sa survey na inaasahan na ng 10% ng mga Pilipino ang malungkot na pasko, habang ang natitirang 26% naman ay nagsabing hindi sila umaasa sa masaya o malungkot na pagdiriwang ng pasko. - Sa panulat ni Laica Cuevas