Mahigit isang milyong Pilipino ang nagtrabaho sa ibayong dagat ngayong taon.
Ito ay batay sa paunang inilabas na datos ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA kung saan nasa isang milyon manggagawang Pinoy ang nakaalis mula Enero hanggang Setyembre.
Malaking bahagi nito ay ang mga land-based na manggagawa na pumalo sa isang milyon limampu’t walong daan at dalawampu’t siyam habang ang natitirang mahigit dalawandaang libo ay mga marino.
Ayon naman kay Labor secretary Silvestre Bello III, inaasahang lalaki pa ang bilang ng mga OFW sa pagtatapos ng taon.
Pumapalo kasi ng tatlong libo hanggang limang libo kada araw ang manggagawang Pinoy na umaalis.
Dagdag pa ni Bello pinaghahandaan na rin ng ahensya ang posibleng malawakang repatriation sa susunod na taon bunsod ng kaguluhan sa ilang bansa sa middle east partikular na sa Lebanon, Saudi Arabia, Yemen at Qatar.
Samantala, noong nakaraang taon ay nasa dalawang milyong OFW ang naitalang nakapag trabaho sa ibayong dagat.