Tumaas ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho noong Disyembre 2021.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), aabot sa 3.27 million ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho para sa nasabing buwan.
Naitala ang unemployment rate para na 6.6% na mas mataas nang bahagya kumpara sa naitalang 6.5% unemployment rate o 3.16 million na walang trabaho noong November 2021.
Bahagya namang bumaba sa 6.81 million noong December 2021 ang bilang ng mga underemployed, kumpara sa 7.62 million noong nobyembre ng nakalipas na taon.
Kabilang sa mga industriya na bumaba ang employment ay ang fishing and aquaculture, education, at information and communication.