Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 5.1% ang unemployment rate para sa buwan ng Abril.
Mas mababa ito kaysa sa 5.5% na unemployment rate sa kaparehong panahon noong isang taon.
Dahil dito, bumubuti ang employment rate na nasa 94.9% mula sa 94.5% noong isang taon.
Pinakamalaking bilang ngayon ng mga walang trabaho ang mga kalalakihan na nasa 62.7% na nasa edad 15 hanggang 24 taong gulang, habang 10.7% ng mga walang trabaho ay mga college undergraduate.