Inanunsyo ng NEDA o National Economic and Development Authority na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Batay sa resulta ng labor force survey ng PSA o Philippine Statistics Authority noong Abril, bumaba ng 5.7% ang unemployment rate mula sa naitalang 6.1$ noong Abril ng nakalipas na taon.
Samantala, bumaba rin ang underemployment rate sa 16.1%.
Ito na ang pinakamababang underemployment rate na naitala sa nakalipas na mahigit sampung (10) taon.
By Meann Tanbio