Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa ikalawang quarter ng taong ito.
Tinukoy ng Social Weather Stations (SWS) na “very high” ang net optimism ng mga Pilipino sa job availability batay na rin sa isinagawa nilang survey mula June 27 hanggang 30 sa may 1, 200 respondents.
Ayon sa SWS, 19.7% ng respondents o nasa halos 9 na milyon lamang ang walang trabaho.
Sinabi ng SWS na ito ay 4.2% na mas mababa sa halos 24% o tinatayang 11 million na naitala sa kanilang survey noong March 2018.
Ang joblessness rate ay binubuo ng 9.5% o 4.2 million na nag-boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, 6.8% o 3 million ang nawalan ng trabaho at 3.4% o 1.5 million naman ang naghahanap ng bagong trabaho.
—-