Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang tatlong buwan ng 2015.
Batay sa Labor Force Survey na isinagawa ng PSA o Philippine Statistics Authority nitong Abril, bumaba sa 6.4 percent ang unemployment rate, mas mababa sa 7 porsyentong naitala sa unang tatlong buwan ng 2014.
Ang underemployment rate na tumutukoy sa mga mayroon nang trabaho subalit naghahanap pa rin ng ibang pagkakakitaan ay bumagsak rin sa 17.8 percent mula sa dating 18.2 percent noong nakaraang taon.
Gayunman, pumalo na sa 64.8 million ang kabuuang labor force sa bansa mula sa 63.8 percent noong nakaraang taon.
Sa nasabing bilang bumaba sa 64.6 percent ang bilang ng aktibong naghahanap ng trabaho, mas mababa sa mahigit 65 percent noong nakaraang taon.
By Len Aguirre