Bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa ikatlong quarter ng 2024.
Naitala sa pinakahuling Labor Force Participation survey ng Philippine Statistics Authority ang 3.9% na unemployment rate nuong Oktubre, mas mababa sa 4.7% na naitala nuong Hulyo.
Gayunman, kung ikukumpara ang nasabing datos nuong setyembre, mas mataas ito ng 3.7% unemployment rate o katumbas ng 1.97 million na mga Pilipinong walang trabaho.
Paliwanag naman ni PSA Chief at National Statistician Dennis Mapa, isa sa nakikita nilang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga jobless ay ang pagtama ng magkakasunod na bagyo.
Samantala, umabot naman sa 96.1% ang employment rate o katumbas ng 48.16 milyong Pilipino ang may trabaho o negosyo nuong Oktubre.
Naitala rin sa kaparehong buwan ang 12.6% underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldong sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan.