Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa third quarter ng 2017.
Batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations o SWS, nasa 18.9 percent ang nananatiling walang trabaho o katumbas ng halos siyam (9) milyong mga Pilipino.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 22.2 percent joblessness rate o mahigit 10 milyong Pilipino noong Hunyo.
Samantala, tumaas naman ng 3 percent noong Setyembre mula sa 15 percent noong Hunyo ang mga pilipinong naniniwalang mas kakaunti ang magiging trabaho sa susunod na labindalawang (12) buwan.
Isinagawa ng SWS ang survey mula September 23 hanggang 27 sa 1,500 na adult respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
—-