Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga pinoy na nagpositibo sa nakakahawang sakit sa Italy.
Ayon sa Filipino community groups sa Italy, isandaan at dalawampung pamilya ang nagpositibo sa covid-19 kung saan, ang Torino City ang may pinaka maraming bilang na umabot sa anim naput dalawa ang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.
Samantala, sa Milan, ipinatupad naman ang state of emergency kung saan, mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar, pampublikong sasakyan, mga sinehan, stadium at sports halls na tatagal hanggang sa March 31.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa ay nangangambang maging orange zones ang Piedmont, Calabria, Liguria at Sicily Region sa nasabing bansa. –Sa panulat ni Angelica Doctolero