Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga Pilipino sa Singapore na nag positibo sa COVID-19.
Dahil dito, umabot na sa 32 ang bilang ng mga Pilipino sa Singapore na nagpositibo sa COVID-19 kung saan anim dito ang nakalabas na ng ospital.
Pinakabata sa mga biktima ay 9 na taong gulang samantalang 66 anyos naman ang pinakamatanda.