Tumaas ng animnapung porsyento (60%) ang bilang ng mga preso sa mga kulungan ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology, isang taon matapos ikasa ng administrasyong Duterte ang kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay BJMP Spokesman Xavier Solda, 71% o siyamnapung libo sa kabuuang 143,000 na inmates na nasa BJMP jail ang may kaso na may kinalaman sa droga.
Sinabi ni Solda na inaasahan pa nilang lolobo sa 417,000 ang bilang ng mga bilanggong may drug related cases sa taong 2022.
- Meann Tanbio | Story from Jonathan Andal