Nadagdagan pa ng 41 ang mga kaso ng hinihinalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa DOH, dahil dito pumalo na sa 597 ang kabuuang bilang ng person under investigation (PUI) dahil sa COVID-19.
Sa kabila ng panibagong mga kaso ng naturang sakit, 455 o 76% ng mga PUI ay nakalabas na ng ospital.
Habang 139 sa mga ito ang patuloy pa ring monimonitor sa mga pagamutan kung saan karamihan ay nasa Metro Manila.
Sa ngayon ay wala pa rin anilang naitatalang local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas.