Nakapagtala na ng kabuuang 487 persons under investigation (PUI) dahil sa posibilidad ng coronavirus disease (COVID-19) infection ang Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 154 na lamang sa nabanggit na bilang ang kasalukuyang naka-confine at kanilang mahigpit na binabantayan.
Nasa 330 na aniya ang nakalabas na ng ospital, habang nananatili pa rin aniya sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang total admitted patients under investigation or observation 164 na lang, ang na-discharge na natin ay 330, ang negative sa testing sa RITM 327, ang confirmed cases natin 3, yung dalawa naka-recover, yung isa naman namatay nga yung Chinese, lahat ito imported cases wala pa tayong local transmission,” ani Duque.
Dagdag ni Duque, nananatili ding negatibo at hindi nakikitaan ng anumang sintomas ng COVID-19 ang mga OFW’s na inilikas at umuwi ng bansa mula Wuhan City sa China.
Tuloy-tuloy din aniya ang pagsasailalim sa mga ito sa quarantine sa athlete’s village sa new clark city capas tarlac.
Wala pa, wala pa ni isa at sana manatili silang negative hangga’t sa matapos ang kanilang quarantine period,” ani Duque. — sa panayam ng Todong Nationwide Talakayan.