Umabot na sa mahigit 78K ang bilang ng mga Public Utility Jeepney o PUJ drivers ang napasama sa aabot sa mahigit P562M na pondo sa ilalim ng Fuel Subsidy Program.
Sa ilalim ng naturang programa, ang bawat PUJ franchise grantees ay makatatanggap ng ₱7,200 na subsidiya sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program o PPP card na bahagi ng ayuda ng Department of Transportation at LTFRB para sa transport sectors na pinaka apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa ngayon kasalukuyang ginagawa ng Landbank of the Philippines ang iba pang mga PPP cards para sa mga wala pa nito habang hinihikayat naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga benepisyaryo na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Regional Office para makita ang schedule kung kailan maaaring makuha ang kanilang PPP card. —sa panulat ni Angelica Doctolero