Halos triple ang itinaas ng bilang ng mga pulis na kinasuhan ng dahil sa iligal na droga.
Base sa datos ng Philippine National Police (PNP), tumaas sa 68 ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs kumpara sa 23 noong 2014.
Kapansin-pansin na walang heneral ang kinasuhan sa mga nabanggit na taon habang ang pinakamataas na ranggo ay superintendent at ang pinakamarami ay police officer 1.
Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Wilben Mayor, karaniwang kaso ng mga nabanggit na pulis ay planting of evidence, nakumpiskahan ng droga, nahuling nagbebenta at sangkot sa pagbebenta ng droga.
Sa ngayon anya ay sinibak na sa pwesto ang mga naturang pulis habang dinidinig ang kanilang mga kaso.
By Drew Nacino | Jonathan Andal (Patrol 31)
Photo Credit: pnppio