Papalo sa 60 mga pulis ang naaresto ng PNP sa halos isang taong operasyon ng Counter Intelligence Task Force (CITF) na siyang humahabol lahat ng mga police scalawags.
Batay sa datos ng pambansang pulisya, umabot na sa 10,000 sumbong ang kanilang natanggap sa pamamagitan ng text o tawag sa telepono laban sa mga pulis.
Karamihan sa mga natatanggap na sumbong ng PNP ay ang mga kaso ng pangongotong, kidnapping, hulidap at iba pang iligal na aktibidad.
Maliban sa 60 pulis, naka-aresto rin ang CITF ng isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at 19 na sibilyan na kasabwat ng mga tiwaling pulis.
Jaymark Dagala / Jonathan Andal / RPE