Sumampa na sa mahigit 900 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos lumabas ang resulta ng isinagawa sa kanilang test.
Inihayag ni PNP Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa ngayong umaga na nasa 902 na ang mga pulis na nagpositibo sa virus matapos madagdagan ang mga ito ng 22.
354 sa mga ito ay pawang nagmula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) habang 248 sa mga ito ang nagmula sa Police Regional Office 7 o Central Visayas.
Umakyat na sa 419 ang bilang ng mga pulis na nakare-recover mula sa virus habang nakapako naman sa siyam ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 virus.