Nadagdagan pa ng anim ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Hunyo 19.
Batay sa datos ng PNP, ala sais kagabi, pumalo na sa 456 an bilang ng mga kumpirmadong kaso ng virus sa kanilang hanay.
Ayon naman sa PNP Health Service, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga recoveries o gumaling na sa sakit dulot ng COVID-19 sa 276.
Sa kasalukuyan, nasa 673 pulis pa ang itinuturing na probable case habang nasa walongdaan at 84 naman ang inilagay sa suspected cases.
Habang nakapako naman sa pito ang kabuuang bilang ng mga pulis na nasasawi matapos tamaan ng nakahahawa at nakamamatay na virus.