Umabot na sa 48,402 ang total COVID-19 infections sa Philippine National Police (PNP) matapos itong madagdagan ng 52 na bagong kaso.
Batay sa datos ng PNP health service, nasa 1,355 ang aktibong kaso ng virus sa hanay ng pambansang pulisya.
Pumalo naman sa 46,920 ang mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 186 new recoveries.
Habang nananatili sa 127 ang COVID-19 related deaths sa PNP.