Nadagdagan sa halip na mabawasan ang bilang ng mga rebeldeng komunista.
Ito ang inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang makatanggap ng mga ulat na sinamantala ng New People’s Army (NPA) ang peace talks upang makapag-recruit ng mga bagong miyembro.
Ayon kay Lorenzana, nasa limanlibo (5,000) na ang mga rebelde sa bansa taliwas sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa tatlong libo pitondaan (3,700) lamang ang mga NPA member.
Noong ideklara anya unilateral ceasefire ay tumaas ang bilang ng mga bagong recruit batay sa mga intel report.
Patunay nito ang mga naganap sa Mindanao partikular sa Davao Oriental kung saan nagpulong ang ilang tribal leader upang pag-usapan ang peace process pero lingid sa kaalaman ng gobyerno ay kapanalig pala ang mga ito ng NPA.
By Drew Nacino