Patuloy na nakatatanggap ng reklamo laban sa mga police scalawag ang Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force o PNP-CITF.
Ayon kay CITF Director, Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, umabot na sa 5,000 reklamo laban sa mga police scalawag ang kanilang natanggap sa nakalipas na apat (4) na buwan.
Sa bilang na ito ay higit walundaang (800) tiwaling pulis ang sinusuri o bina-validate ang reklamo at puntirya ngayon ng PNP-CITF.
Umabot naman sa labinlimang (15) tiwaling pulis ang naaresto ng PN- CITF mula nang itatag ito ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa noong Pebrero.
Kabilang sa mga naaresto ang apat (4) na pulis makati na inireklamo ng pagdukot at robbery extortion.
Umaapela naman si Malayo sa publiko na mag reklamo sa PNP-CITF Hotline na 0995-795-2569 at 0999-897-0286 kung may kilala o nakitang tiwaling pulis.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal