Halos limampung porsyento ang ibinaba ng bilang ng rice lands o sakahan sa bansa.
Ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority, mula sa mahigit tatlong milyong ektarya ng lupang pansakahan noong 1980, pumapalo na lamang ito sa halos dalawang milyong ektarya.
Ilan sa mga nakikitang dahilan nang tuluyang pagkawala ng rice lands ay paghimok ng ilang magsasaka sa kanilang mga anak na huwag nang magsaka.
Bukod dito, ang ilang magsasaka naman ay nais ibenta na lamang ang kanilang lupain sa real estate developers.
—-