Lumagpas na sa “pre-pandemic level” ang bilang ng mga sasakyan na bumibiyahe sa EDSA.
Sa datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA), umabot na sa 410,000 ang average na bilang ng mga sasakyan sa EDSA.
50% sa mga ito ay private owned car, 38% ang motorsiklo at 4.5% ay mga taxi.
Iginiit naman ni MMDA Acting Chairman Carlo Antonio Dimayuga, III na ang simultaneous implementation ng major infrastructure projects, road constructions, rehabilitation projects, pagluluwag ng COVID-19 restrictions at expansion ng face-to-face classes sa mga paaralan ang mga dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga sasakyang bumibyahe sa EDSA.