Pinag-aaralan na ng Department of Transportation o DOTr ang bilang ng mga sasakyan na dapat ay pumapasada sa isang ruta.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Mark De Leon, maraming ruta sa Metro Manila ang sobra-sobra ang bilang ng pampasaherong sasakyan samantalang may mga lugar naman na kulang sa sasakyan.
Sinabi ni De Leon na bahagi pa rin ito ng mga pagbabago sa transportasyon sa ilalim ng modernization program.
Sa ngayon aniya ay tuloy-tuloy ang paghahanda ng DOTr para sa modernisasyon ng transportasyon sa bansa lalo na sa mga jeepney.
Makikita anya ang iba’t ibang klase na ng modernong jeepney na pumapasada na rin ngayon sa Metro Manila.
Iginiit ni De Leon na mayroong hanggang 2020 ang mga transport operators upang magbuklod at bumuo ng kooperatiba upang mapalitan ng moderno ang kanilang jeepneys.
“Basta pumasa sila sa LTO standards (emissions, compliance sa road safety) ay papayagan natin sila pero kung hindi sila pumasa diyan ay kailangan na nilang palitan ang kanilang mga unit.” Pahayag ni De Leon
(Balitang Todong Lakas Interview)