Pumalo na sa 36.17 milyon ang bilang ng mga senior citizens na edad 65 pataas sa Japan.
Ayon sa Ministry of Internal Affairs and Communications, mas mataas ito ng 300,000 kumpara sa bilang na naitala noong nakaraang taon.
Sinasabing nasa 28.7% ng kabuuang populasyon ng Japan ay pawang matatanda at inaasahang papalo ito sa 35.3% sa taong 2040.