Aabot na sa 200 Filipino sa Ukraine ang inilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa harap ng nagpapatuloy na pag-atake ng Russia.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, kabilang sa mga inilikas ang 63 Pinoy na nakauwi na ng Pilipinas.
73 naman ang dinala sa Romania, 33 sa Moldova, 15 sa Hungary, siyam sa Austria habang anim sa Poland na pawang malapit lamang sa Ukraine.
Samantala, 21 filipino crew members ng nabalahaw na M/VS-Breeze sa Port of Ilyichevsk sa Black Sea ang nakauwi na rin.
Nito lamang lunes itinaas ng DFA ang crisis alert level status sa alert level 4 sa Ukraine, nangangahulugang mandatory o sapilitan na ang paglilikas.