Nabawasan na ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan dahil sa sama ng panahong dulot ng bagyong Urduja.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, mula sa 17,000 nasa 2,900 pasahero na lamang ang hindi pa nakakabiyahe sa mga pantalan sa Central Luzon, Palawan, Bicol, Western Visayas, Southern Tagalog at Southern Visayas.
Maliban dito, stranded pa rin sa mga oras na ito ang may 913 rolling cargoes, 88 vessels at 20 bangkang de motor.
Halos lahat ng mga stranded ay mga bakasyunista na pauwi ng kani-kanilang probinsya para sa mahabang Christmas holiday.
Inaasahang bukas pa o sa Miyerkules tuluyang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo.
—-