Pumalo na sa mahigit 6000 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan dahil sa Bagyong Karen.
Batay sa tala ng Philippine Coast Guard, pinakamarami sa nasabing bilang ay nagmula sa Bicol Region na nakapagtala ng 2756.
Sinundan naman ito ng Timog Katagalugan na may mahigit 1000 habang daaan-daan din naman ang naghihintay ng biyahe sa silangan, gitna at kanlurang Visayas.
Gayunman, sinabi ng Coast Guard na asahan pang madaragdagan ang naturang bilang sa paglaon ng mga araw hanggang sa tuluyan nang makalabas ng bansa ang bagyo.
By: Jaymark Dagala