Aabot na sa 2,500 pasahero, drivers at cargo helpers ang hindi pinayagang makabiyahe dahil sa bagyo Karding.
Ayon sa Philippine Coast Guard, 39 na rolling cargoes, 18 vessels at 15 motorbancas ang stranded hanggang kahapon.
Kabilang sa mga apektado ang mga pasahero sa mga pantalan sa southern tagalog at Bicol regions.
Hindi pinayagan ng PCG na makapaglayag ang mga sasakyang-pandagat dahil sa naglalakihang alon.