Bumaba ang bilang ng mga sumakay ng barko pauwi ng probinsya nitong Semana Santa.
Ayon kay Commander Armand Balilo, Spokesman ng Philippine Coast Guard (PCG), batay sa pauna nilang pagtaya, 5 porsyentong mas mababa ang bilang ng mga pasahero nitong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon.
Samantala, sa ngayon anya ay maluwag na ang mga pantalan sa buong kapuluan dahil naging kalat-kalat ang pag-uwi sa Metro Manila ng mga galing ng probinsya.
Wala rin anya silang naitalang anumang malaking insidente sa karagatan nitong Semana Santa.
“Wala namang masyadong relevant, yung mga pagkalunod lang yun yung mga na-monitor natin, pero maritime incidents wala naman po tayong naitala, merong isa sa bandang Visayas, nahuli na fishing boat na nagsakay ng pasahero pero maliban diyan wala na po.” Pahayag ni Balilo.
By Len Aguirre | Ratsada Balita