Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagbabalik-loob sa pamahalaan na miyembro ng New People’s Army o NPA.
Batay sa tala ng Armed Forces of the Philippines o AFP ngayong buwan ng Oktubre pa lamang ay mayroon nang 30 miyembro ng NPA ang sumuko sa pamahalaan.
Pinakahuling sumuko naman ay limang NPA na kasapi ng NPA Guerrila Front 73 noong Oktubre 16.
Ayon sa AFP patunay lamang ito na unti-unti ng namumulat ang mga rebelde at mas pinipili na ang mabuhay ng payapa.
—-