Nanawagan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang isang Quiapo Church official na payagan ang pagpasok ng mas maraming tao sa loob ng mga simbahan.
Ito’y makaraang bumuhos sa labas ng simbahan ng Quiapo ang maraming deboto para sa misa sa unang Biyernes ng kasalukuyang buwan na sinasabing paglabag sa physical distancing protocols dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Parochial Vicar, Fr. Douglas Badong, kung dadagdagan ang kapasidad ng mga simbahan ay mas magiging organisado ang mga tao at titiyakin nilang masusunod ang mga health protocols.
Sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na tatagal ng hanggang Oktubre 31, limitado lamang sa 10% ng seating capacity ng venue ang pinapayagan ng mga awtoridad.