Mas tumaas umano ang bilang ng mga walang trabaho ngayon kumpara noong isang taon.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), dahil ito sa mga nagdaang bagyo na nakaapekto rin sa sektor ng agrikultura.
Batay sa January 2017 Labor Force Survey, tumaas ng mahigit sa anim (6) na porsyento ang unemployment rate sa bansa mula sa mahigit limang (5) porsyento lamang noong January 2016.
Paliwanag ni Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, dahil ang sektor ng agrikultura ang pangalawa sa may pinakamalaking bilang ng manggagawa sa bansa, malaking bilang ng mga ito ang nawalan ng trabaho dahil sa mga nagdaang bagyong Nina at Auring.
By Avee Devierte