Pumalo na sa 138 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit na cholera sa Mozambique.
Ito ay matapos bayuhin ang naturang lugar ng bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha na ikinasawi naman ng nasa 700 katao.
Lumilitaw na nakaranas ng pananakit ng tiyak at pagdudumi ang mga biktimang karamihan ay mga bata.
Ayon sa mga otoridad, pahirapan pa rin sa ngayon ang pagpapaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha bunsod ng mga hindi pa rin madaanang kalsada.