Pumalo na ng kabuuang 2,347 ang bilang ng dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng mga kapulisan.
Ito’y makaraang madagdagan ng 33 panibagong mga pulis na nag-positibo sa nakamamatay na virus.
Sa kabuuang bilang, 886 sa mga ito ang itinuturing na mga probable case at 2,354 naman ang mga suspected cases.
55 mga pulis din ang naitalang bagong gumaling sa virus, kaya’t nasa 1,384 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na pulis sa COVID-19.
Sa kaparehong bulletin, nananatiling 11 ang mga pulis na namatay dahil sa virus.