Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa mababang kapulungan ng kongreso kaya umakyat na ang kabuuang bilang nito sa 85.
Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, isa sa mga ito ay kawani ng administrative department na huling pumasok sa Kamara noong Setyembre 1.
Habang ang ikalawang pasyente naman ay isang babaeng kawani ng payroll group na nasa ilalim ng accounting service na huling pumasok noong Setyembre 21.
Sinabi ni Montales na nakaranas aniya ang mga ito ng pananakit ng katawan, sore throat, pagkawala ng panlasa sa pagkain at pang-amoy kaya’t agad silang sumailalim sa RT-PCR o swab test.
Kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing ang Kamara sa mga kasamahan nito sa trabaho na kanilang nakasalamuha sa panahon ng kanilang pagpasok sa trabaho.