Lumobo ng apat na beses ang bilang ng mga adult o nasa hustong gulang na tinamaan ng diabetes sa loob ng apat na dekada sa buong mundo.
Sa pag-aaral ng World Health Organization o WHO, natuklasan na sumampa na ito sa 422 milyon katao.
Ayon sa WHO, mas malaking problema ang isyung ito ng mga mahihirap na bansa sa daigdig.
Sinasabing kabilang sa mga nahaharap sa naturang suliranin ang mga mauunlad na bansa tulad ng China, India, Indonesia, Pakistan, Egypt at Mexico.
Lumitaw din sa ulat ng WHO na mas maraming nagkaroon ng diabetes na mga lalaki at mga babae sa pagitan ng 1980 at 2014.
Giit ni WHO Director-General Margaret Chan, ito’y nangangahulugan na kailangan nang tugunan ang hindi malusog na diet at lifestyle ng mga tao sa mundo.
By Jelbert Perdez