20 katao pa ang nabiktima ng paputok at ligaw na bala bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Dahil dito, sinabi ng Department of Health-epidemiology Bureau na sumampa na sa 131 ang bilang ng mga nabiktima nito.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, sa naturang bilang ay isang daan at dalawampu’t walo ang tinamaan ng fireworks o paputok habang 3 naman ang nadale ng stray bullets.
Nananawagan naman si DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee-Suy sa mga barangay captain at mga konsehal na tumulong sa pag-monitor sa bentahan ng mga paputok upang matiyak na walang makabibiling mga bata.
By: Jelbert Perdez