Nilimitahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa 45,700 ang bilang ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa buong bansa.
Sa Memorandum Circular 2018-03 na inilabas ng LTFRB nitong Huwebes, Enero 18, ipinunto nito na matapos ang masusing deliberasyon ng board at konsultasyon sa Department of Transportation (DOTr), nagtakda ng isang common supply base para sa mga TNVS.
Ayon kay LTFRB Spokesperson, Atty. Aileen Lizada, sa Metro Manila, apatnapo’t limang libong (45,000) units ang limitadong bilang ng mga TNVS; limandaang (500) unit sa Metro Cebu at dalawandaang (200) unit sa Pampanga.
Magugunita noong Hulyo 21, 2016, nagpalabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2016-008 na nag-uutos sa technical division nito na huwag nang tumanggap ng mga TNVS application.
Samantala, inihayag naman ni Lizada na sisilipin nila ang bilang mga sasakyan kada tatlong buwan.