Patuloy na tumataas ang bilang ng mga traffic violators sa nakaraang 5 taon ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa pinakahuling tala ng ahensya mula sa higit 282,000 traffic violations noong 2014 ay nasa higit 474 na ang bilang noong nakaraang taon.
Kawalan ng disiplina naman ang tinurong dahilan ng MMDA EDSA traffic Czar Bong Nebrija.
Samantala sa EDSA, Guadalupe at Arayat ang naitalang pinakamaraming traffic violations na aabot na sa 1,000.